Patakaran Sa Cookies

Ano ang cookies?

Ang cookies ay mga file o piraso ng impormasyon na maaaring maimbak sa sistema o sa mga device na ginagamitan ng internet tuwing bumibisita ang user sa (mga) website ng VFS Global. Gumagamit ng cookies ang VFS Global upang mapasimple ang paggamit ng (mga) website at lumikha ng mga mas makabuluhang karanasan para sa iyo bilang user. Hindi matutukoy ng VFS Global nang personal ang user mula sa impormasyong ito. Hindi mismong cookies ang nakapagtutukoy sa indibidwal na user, kundi ang computer o mobile device lamang na iyong gamit sa pamamagitan ng random na nalilikhang tag.

Paano gumagamit ng cookies ang VFS Global?

Kailangan mong tanggapin ang cookies para sa pinakamagandang paggamit ng VFS Global website. May ilang tampok na bahagi ang VFS Global website na magagamit lamang kung may cookies. Tumutulong ang cookies sa mga user at napananatili silang naka sign-in.
Karamihan sa cookies ay "session cookies," na otomatikong nabubura sa hard drive ng website user sa katapusan ng isang sesyon kung ang aplikante/user ay umalis na sa website. Gayunman, nananatili ang “persistent cookies” sa ilang beses na pagbisita sa aming mga website.
Maaaring may cookies mula sa (mga) website ng VFS Global o sa mga affiliate, joint venture partner, ahensya, subsidiary, at kliyente nito sa ilang pahina ng mga VFS Global website na hindi namin kontrolado. Dapat suriin ng user ang uri ng cookies na maaaring nilalagay ng mga affiliate, joint venture partner, ahensya, subsidiary, at kliyente na ito sa kanyang mga computer at device, at kailangan niyang gamitin ang wastong pagpapasya sa paggamit ng mga website na ito.
Kapag nakapasok na ang user sa (mga) website ng VFS Global, nagbibigay siya ng pahintulot sa paggamit nito ng cookies. Kung hindi sang-ayon ang user sa paggamit na ito ng cookies, hindi siya dapat gumamit ng (mga) website ng VFS Global. Kapag i-disable kasi ang cookies, maaaring makaapekto ito sa karanasan ng user sa paggamit ng (mga) website ng VFS Global.

Paano Kontrolin o alisin ang cookies mula sa VFS Global?

Makakapili ka bilang user na i-block o burahin ang cookies, ngunit pakiusap lamang, kailangang batid mo na kapag disabled ang cookies, maaaring makaapekto ito sa karanasan mo sa (mga) website ng VFS Global.
Maaari mong tingnan ang listahan ng cookies ng VFS upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga uri ng cookies na aming ginagamit at kung paano ito kontrolin ayon sa iyong kagustuhan.